My Blog List

Tuesday, January 8, 2013

Techno

Sabi mo techno ang tawag sa mga kamunduhan ng facebook, twitter, email, blog, at kung anu-ano pa. 
Kaya nagpaka-techno ako ngayong gabi dahil alam kong matutuwa ka rin.
Malamig dito sa Baguio, maraming magandang tanawin, sa totoo lang.
Ngunit iba ang init ng tawa mo, o di kaya bungisngis at halakhak mong di mapapantayan ng mga tunog ng mayang nagsisiliparan sa paligid.
Dati rati sumusulat ako ng tula sa isang papel na makulay, tinatalian ng laso at isinusuksok sa isang magarbong tubo. 
Ibibigay ko sana ito sa aking irog, ngunit, hindi ito nagkataon.
Ngayon, sa mga panahong ito, ang mga sulat ko ay nasa isang kalawakang di maihahalintulad sa papel, ngunit sa isang unibersong matinik at mabilis magkalat ng impormasyon.
Kaya sa tuktok ng isang bundok sa Baguio, ako ay natutong mag-twitter.
Maginaw talaga, tulad ng iced tea na bumubuhos sa isang uhaw na lalamunan. 
Ngunit ang pakiramdam ko ay maluwag, masaya, magaan nang parang balahibo, dahil tayo ay nagtatalakayan.

Ano ba't nakita kita sa terminal ng bus patungo sa ating mga paroroonan.

Tinawagan kita gamit ang techno kong cp at sumagot ka na mang
walang malay at naghahagilap sa techno mong cp upang pakinggan ang boses ko, na nagsabing narito ako, nakatingin sa iyo.
Gulat ka, feeling stalker ako, ngunit dahil sa techno ay parang nagkita at nagkausap na rin tayo nang malapitan.
Nagpaalaman na tayo dahil parating na ang ating mga bus. 
Di mo lang alam na nakangiti ako mula Cubao hanggang Benguet...nakakatuwa.

Techno, techno, pano ka ginawa?

Magpasalamat na lang tayo kina Gates at Jobs sa lahat ng kanilang ginawa upang mapalapit tayo sa isa't isa.
Sabi nila mabuti ang teknolohiya upang gumaan at umunlad ang buhay, ngunit maaari rin namang maging peligro sa buhay ng iba.
Pero sa akin, ang techno ay hindi lamang rosas na nagsisimbolo ng pagmamahal ngunit pati ng halimuyak nito ay parang yakap na di madaling malimutan.

Ayan na ang leon na itim sa Kennon.

Status ka na, tweet na ako.
Message sent.

Kita tayo muli.



No comments:

Post a Comment